Kagawaran ng Edukasyon
Filipino 2 Paggamit ng Personal na Kaalaman sa
Paghihinuha ng Mangyayari sa Nabasa/
Napakinggang Teksto o Kuwento
Ikalawang Markahan – Unang Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Annie Rose B. Orongan
Rica V. Sanchez
Mga manunulat
Hilario G. Canasa Tagasuri
Rhodora V. Mandap
Validator
2
INAASAHAN
Binuo ang araling ito upang magamit sa
pagpapalalim ng iyong pang-unawa at pagkatuto.
Basahing mabuti ang bawat bahagi at mga
inihandang gawain o pagsasanay upang lubusang
maintindihan ang aralin.
Kung nahihirapan sa aralin, maaari kang
magpatulong sa iyong mga magulang, kapatid o
kaya’y tumawag sa iyong guro para magtanong.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
Makapagbibigay ng hinuha sa nabasang kuwento.
UNANG PAGSUBOK
Maaari bang mangyari ang sinasabi sa pangungusap?
Kung Oo, iguhit ang sa patlang. Kung hindi, iguhit sa
patlang ang .
____1. Malakas na malakas ang ulan sa labas. Uuwing
basang-basa si Tatay.
____2. Tumutulo ang bubong nina Aling Bebang pero
hindi nababasa ang kanilang sahig.
3
____3. Hindi nakapaghanda ang pamilya nina Mang Ador
sa pagdating ng Bagyong Rolly. Nahirapan silang
lumikas.
____4. Hindi nakapagsuot ng facemask si Manuel. Hindi
siya pinapasok sa Mall.
____5. Naka-facemask at naka-face shield si Ate Liza
tuwing aalis ng bahay. Ginagawa din niya ang
social distancing at lagi siyang may dala-dalang
alcohol. Hindi siya mahahawa ng Covid-19.
BALIK-TANAW
Isulat sa patlang ang nawawalang diptonggo.
1. bah_____ 2. ar _____
3. ag _____ 4. r ___ na
5. sis _____
4
PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Nakatutulong ang mahalagang detalye upang
masagot ang mga tanong sa pinakinggan o binasang
teksto o kwento.
Maaari rin tayong magbigay ng hinuha habang tayo
ay nakikinig o nagbabasa ng teksto o kwento. Ang hinuha
ay pagbibigay ng kasalukuyang nadarama at iniisip na
maaaring negatibo o positibo. Ito ay batay sa nabasa o
narinig na paglalarawan ng mga detalye sa isang
sitwasyon.
Halimbawa:
Si Tonyo ay anak ni Aling Daisy. Nag-iisa siyang
anak kaya’t mahal na mahal siya ng kanyang nanay.
Alagang-alaga siya at bihirang mapagalitan.
Isang araw, nabasag ni Tonyo ang baso. Alin sa mga
sumusunod ang sa palagay mo ay mangyayari?
A. Magagalit ang nanay ni Tonyo.
B. Papaluin ng nanay si Tonyo.
C. Iiyak sa takot si Tonyo
D. Lilinisin ni nanay ang nabasag na baso
Kung ang sagot mo ay letrang D, Tama ang iyong
sagot dahil sa mga detalyeng nakapaloob sa kwento.
Ano ano ito? Ang detalyeng mahal na mahal , alagang-
alaga at bihirang mapagalitan
5
GAWAIN
Hulaan ang susunod na mangyayari sa sumusunod na
sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. May butas na ang bubong ng bahay nina Aling Nena.
Hindi niya ito naipagawa sa kanyang asawa. Isang
araw, bumuhos ang malakas na ulan.
A. maaaring bumagyo.
B. titibay ang kanilang bahay.
C. maaaring mabasa ang kanilang mga gamit sa
loob ng bahay.
2. Sabay-sabay na tumigil ang mga sasakyan nang
maging pula ang ilaw trapiko. Naglakad na ang mga
tao. Kabilang sa tumatawid ang isang boy scout, pulis
at guro. May isang matanda na mahina na at mabagal
lumakad.
A. Masasagasaan ang matanda.
B. May mga magmamagandang loob na tulungan
ang matanda.
C. Mauunang tumawid ang matanda.
3. Masayang nakikipaglaro si Carlo ng basketbol sa
kaniyang mga kaibigan. Hindi niya napansin ang balat
ng saging sa lugar na kaniyang pinaglalaruan.
A. Si Carlo ay madudulas.
B. Siya ay mananalo sa larong basketbol.
C. Pagtatawanan siya ng kanyang mga kalaro.
4. Si Mang Ariel ay kinilala sa kanilang barangay dahil sa
kanyang katapatan noong siya ay magsauli ng
6
napulot niyang mahahalagang dokumento. Isang
araw sa kanyang pamamasada ng taxi, may isang
pasahero na nakaiwan ng bag sa taxi. Binuksan ni
MangAriel ang bag at nakita din niya na ito ay may
lamang pera at may pangalan at tirahan ng may-
ari ng bag.
A. Hindi niya ito isasauli at kukunin na lamang.
B. Gagamitin niya ang pera para ipambili ng pagkain
niya.
C. Isasauli niya ang bag sa may ari.
5. Mahilig kumain ng kendi at matatamis na pagkain si
Marco pero hindi siya mahilig uminom ng tubig at
magsepilyo.
A. Magiging masaya ang kaniyang mga magulang.
B. Sasakit ang kanyang ngipin.
C. Siya ay magiging malusog na bata.
TANDAAN
Ang pagbibigay ng hinuha ay maaring gawin ng
sinumang nakikinig, nanonood o bumabasa. Magagawa
ito kung nauunawaan ang nakapaloob sa kilos o gawain
sa isang sitwasyon.
7
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Basahin ang teksto at bilugan ang letra ng wastong
sagot.
1. May dalang mainit na sabaw sa mangkok si Aling Annie.
Habang naglalakad, natapilok siya.
A. Matatapon ang sabaw.
B. Hihigupin ni Aling Annie ang sabaw.
C. mababasag ang mangkok.
2. May sakit si Abigail. Ayaw niyang uminom ng gamot
na reseta ng doktor.
A. Gagaling si Abigail
B. Lalong lulubha ang kaniyang sakit.
C. Wala nang irereseta ang doktor sa kaniya.
3. Gabing-gabi na ay nanonood pa rin ng telebisyon si
Jared. Pinatutulog na siya ng Ina ngunit ayaw niyang
sumunod.
A. Hindi magigising nang maaga si Jared.
B. Si Jared ay maliksing gigising sa umaga.
C. Matutuwa ang kaniyang Nanay.
4. Naglalakad araw-araw si Daniel sa pagpasok sa
paaralan. Itinatago niya ang perang dapat ay
pamasahe niya. Nais kasi niyang makaipon upang
makabili ng bagong sapatos.
A. Hindi makaiipon ng pera si Daniel.
B. Mabibili ni Daniel ang bagong sapatos.
C. Hindi bagong sapatos ang bibilhin ni Daniel.
8
5. Maaga pa lamang ay gising na si Aling Lolita. Dala-
dala na niya ang basket patungong palengke.
Gusto niyang makapili ng mga sariwang isda at
gulay na iluluto niya para sa tanghalian.
A. Mauubusan siya ng gulay at isda.
B. Mabibili niya ang mga sariwang isda at gulay.
C. Masasayang ang nabili niyang gulay at isda.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A. Panuto:
Basahing mabuti ang dalawang kuwento.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa
iyong hinuha.
Si Trudis Liit
Maliit pa lamang si Trudis ay nagtatrabaho na siya.
Kasa-kasama siya ng kanyang ina sa pagtitinda ng gulay.
Nag-iipon kasi ang kanyang nanay para sa kanyang
pag-aaral sa Kolehiyo. Siya ang tagasigaw ng kanyang
nanay ng “Gulay, gulay po kayo diyan!”Marami silang
napagbibilhan palagi.
1. Bakit maraming bumibil kay Trudis Liit?
A. Dahil sumisigaw siya sa pagtawag ng bibili.
B. Dahil maliit siya.
C. Dahil marami talagang gusting bumili ng gulay.
9
2. Ano ang maaaring mangyari sa batang masipag at
matiyaga katulad ng batang si Trudis?
A. Magugutom si Trudis
B. Maaari siyang makapagtapos ng pag-aaral
C. Lalaki siyang tamad.
3. Natutuwa kaya ang nanay ni Trudis sa kanyang
anak?
A. Oo, dahil palaging malaki ang kanilang benta
B. Hindi, dahil panay ang pagpapabili ng pagkain
ni Trudis
C. Hindi, dahil hindi nauubos ang kanilang
paninda.
Ang Batang Si Teza
Mahirap lang si Teza kaya lagi siyang walang
baon. Madalas din na wala siyang lapis at papel.
Araw-araw, palagi siyang pinagsasabihan ng
kanyang nanay na maging mabuting bata at
huwag kukuha ng kahit anong bagay na pag-aari
ng iba.
Isang araw, pumasok si Teza na malungkot.
Wala siyang gagamiting lapis. Pero pagdating niya
sa kanilang silid, may napulot siyang lapis.
4. Ano ang gagawin ni Teza sa lapis na napulot niya?
A. Ito na ang gagamitin niya
B. Hahanapin ang may-ari ng lapis
C. Itatago sa bag
10
5. Magiging mabuting bata kaya si Teza sa kanyang
paglaki?
A. Oo, dahil lagi siyang pinagsasabihan ng kanyang
nanay.
B. Hindi, dahil mahirap sila
C. Oo, dahil pumapasok siya araw-araw
B. Panuto:
Pagdugtungin sa pamamagitan ng guhit ang mga
detalye na nasa hanay A patungo sa hinuha na
nasa hanay B.
A B.
1. Masipag mag-aaral si
Yvette at laging 100% ang
nakukuha sa pagsusulit
a. Hindi siya
makakatanggap ng
katibayan ng pagkilala
2. Hindi sinasagutan nang
maayos ni Analyn ang
kanyang mga module.
Mababa din ang
nakukuha niya sa
pagsusulit
b. Pararangalan siya
bilang Matapat na Mag-
aaral
3. Isinasauli ni Ruel sa may-ari
ang kanyang mga
napupulot
c. Makukuha niya ang
katibayan na may
pinakamataas na
karangalan
4. Matapang na bata si
Elizah. Pinabakunahan siya
ng kanyang nanay.
d. Kinatutuwaan siya ng
matatanda.
5. Masipag at magalang si
Jessie.
e. Hindi siya iiyak
11
Susi ng Pagwawasto
Unang Pagsubok
1. 2. 3. 4. 5.
Balik- Tanaw
1.ay 2.aw 3.iw 4.ey
5.iw
Gawain
1.c 2.b
3.a 4.c
5.b
Pag- alam sa Natutunan
1.a
2.b 3.a
4.b
5.b
Pangwakas na Pagsusulit
1.A
2.B 3.A 4.B
5.A
12
Sanggunian
Ang Bagong Batang Pinoy ilipino 2
Kagamitan ng Mag-aaral
https://app.quizalize.com/view/quiz/
Top Related