Post on 06-Jan-2017
PowerPoint Presentation
Ang Pananakop ng Espanya
Ano ba ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?
Ang ekspedisyon ni Magellan
Ang ekspedisyon ni MagellanIpinadala ng hari ng Espanya.Sakay ng limang barkoNakarating sa Homonhon sa bukana ng Golpo ng Leyte noong Marso 17, 1521Nagambala sila sa pagdating ng mga dayuhan
Ang ekspedisyon ni MagellanNagtungo sila sa Limasawa noong Marso 28Nagdaos sila ng unang misa sa tabing dagat noong Marso 31, 1521.Nagtirik sila ng malaking krus sa paltok ng isang gulod na malapit sa dagatSinakop nila ang pulo at tinawag itong archipelago ni San LazaroNakipagkaibigan sila kina Raha Kulambu at Raha Siagu at nakipagsanduguan
Ang ekspedisyon ni Magellan
Ang ekspedisyon ni Magellan
Sanduguan - Isang kaugalian ng mga Pilipino noon na nagpapakita ng kanilang pakikipagkaibigan. Ang dugo ay kanilang pinaghahalo sa isang lalagyan, hahaluan ng alak at pagkatapos ay iinumin.
Ang ekspedisyon ni Magellan
Ang ekspedisyon ni Magellan
Kinulang ng pagkain sina Magellan sa Limasawa kaya lumipat sila sa CebuNagdaos sila ng misa at nagtirik ng krus at hinikayat ang mga katutubong maging KristiyanoMay 800 ang nagpabinyag, kasama si Raha Humabon at ang kanyang maybahay na si Reyna Juana
Pagtanggi sa Pananakop
Si Lapu-Lapu ay isang pinuno sa Mactan na ayaw kumilala sa kapangyarihan ng mga Espanyol
Pagtanggi sa Pananakop
Ipinasiya ni Magellan na supilin si Lapu-Lapu at ipakilala rito ang kanyang kapangyarihanNagtungo siya sa Mactan kasama ang 60 Europeong mandirigma na may pananggang bakal ang dibdib at may bakal na espada at armasSila ay lulan ng tatlong barko kasama ang 1000 na katutubong mandirigmang sakay ng 80 na bangka
Pagtanggi sa Pananakop
Nagpadala sila ng kalatas (mensahe) kay Lapu-Lapu na nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng hari ng Espanya at magbayad ng buwis.Kung hindi raw ito susundin ni Lapu-Lapu ay magkakaroon ng labananTumanggi si Lapu-Lapu at handa sila sa anumang mangyari
Pagtanggi sa Pananakop
Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan Buong tapang nilang Sinalubong ang mga manankopNapatay si MagellanNang Makita ng mga kasamahan ni Magellan na namatay ang kanilang lider bumalik agad sila sa kanilang mga barko
Pagtanggi sa Pananakop
Ang labanan sa Mactan ay nagpakita ng katapangan, katatagan ng loob at pagmamahal sa kalayaan ng ating mga ninunonang ipagtanggol nila ang ating teritoryo
Pagtanggi sa Pananakop
Dahil sa tagumpay ni Lapu-Lapu sa paglaban sa mga dayuhang mananakop, siya kinilalang unang bayani ng Pilipinas
Ang Matagumpay na Ekspedisyon
Pinamunuan ni Miguel Lopez De Legazpi noong Nobyembre 21, 1564 ang ekspedisyong patungo sa ating lupain.Ito ay binuo ng apat na barko at 380 katao, kasama ang ilang paring Agustino
Pagtatatag ng Pamayanan ng Cebu
Noong 1565, sa pamumuno ni Legazpi, bumalik ang mga espanyol sa CebuTumangging magpasakop si haring Tupas kaya nagkaroon ng labananMahigpit na ipinagtanggol ng mga katutubo ang Cebu ngunit mas malakas ang puwersa ng mga EspanyolSinunog ng mga katutubo ang kanilang bahay para hindi mapakinabangan ng mga Espanyol
Pagtatatag ng Pamayanan ng Cebu
Umurong sila at nagpunta sa kabundukanPinasok ng mga Espanyol ang mga kabayanan at nagtayo ng mga bahay
Pinakiusapan ni Legazpi si Haring Tupas at ang kanyang mga kasama na bumaliksa kabayanan at ipinangakong patatawarin niya ang mga itoNagtatag si Legazpi ng isang pamayanang Espanyol sa Cebu